2 bagong laya, patay sa riding-in-tandem sa Maynila

Share this information:

PINAGBABARIL ang dalawang lalaki na kalalaya pa lamang ng piitan habang nasa loob ng pampasaherong jeep sa Sta. Cruz, Maynila.

Sa ulat ng Manila Police District (MPD), biyaheng Blumentritt Dimasalang-Quiapo na pampasaherong jeep ang sinakyan ng mga biktima matapos silang makalaya mula sa Manila City Jail dakong alas-10 ng umaga.

Natukoy ang pagkakakilanlan ng dalawa na sina Reynaldo Nuque, umano’y dating pulis na nag-AWOL, 40, nakatira sa Malabon City at Felizardo Pablico, 49-anyos, residente ng Sta. Cruz, Maynila.

Nakalaya na ang dalawa matapos makulong nuong Nobyembre dahil sa kasong robbery hold-up.

Gayunman, apat na lalaki na nakasuot ng jacket, helmet, at facemask ang sumulpot sa kanang bahagi ng jeep at agad na pinaputukan ng mga biktima bago tumakas.

Patuloy nang iniimbestigahan ng pulisya ang insidente at inaaalam din ang motibo at nasa likod ng pagpatay sa dalawang bagong laya.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

UAE, isasama na ng DOH sa travel ban

Thu Jan 14 , 2021
Isasama na  ng Department of Health (DOH) sa  talaan ng may na-detect na UK variant ang United Arab Emirates (UAE). Sinabi ni DOH Sec. Francisco Duque III na kanila nang irerekomenda sa Office of the President na maisama ang UAE sa travel ban. Aniya, tiyak naman na ito ay aaprubahan […]

Follow Us

%d bloggers like this: