Truck holiday, ikinasa mula ngayong araw

Share this information:

PARALISADO ang 90 porsyento ng operasyon ng Port of Manila at Manila International Container Terminal o MICT matapos magkasa ng truck holiday o “truckers rest day” ang samahan ng mga truckers kasama ang Confederation of Truckers Association of the Philippines (CTAP) Inc., ngayong araw.

Ayon kay Mary Zapata, Pangulo ng CTAP, maitututing na “silent protest” ang kanilang ginawa kung saan naging matagumpay ito sa unang araw ngayong Lunes.

Sa monitoring ng CTAP, nasa 9,000 na mga cargo truck ang hindi bumiyahe ngayon araw, kasama ng CTAP, Hataw, Integrated North Harbor Truckers Association, Bulacan Truckers ay halos walang makitang truck sa lansangan partikular sa Road 10.

Dahil dito, inaasahan nang marami pang mga kargamento ngayon na maiiwan sa mga port na kung saan 70 porsyento na ang yard utilization.

Hiling ng CTAP sa Philippine Ports Authority (PPA), Bureau of Customs (BOC) at MICT na magkaroon ng seryosohang pag-uusap upang resolbahin ang mga isyu na matagal ng iniaangal ng mga truck operators at mga drivers kaya’t bumabagal ang pagbiyahe ng mga kargamento at nagreresulta ng patung- patung na mga bayarin.

Kasama na rito ang usapin ng no permit – no transaction na sinimulang ipinatupad ng MICT noong ika-1 ng Nobyembre at ang patuloy na pagpapatupad ng TABS o Terminal Appointment Booking System na matagal nang pahirap sa industriya.

Sinabi ng CTAP na may mangilan-ngilan ngayon na bumiyahe pero ang mga ito ay ang transaksyon na naipit pa noong Biyernes at Sabado, at ang iba naman ay mga pabalik ng sa kanilang garahe o yard para lamang magsauli ng mga container na wala nang laman.

Umaasa naman ang CTAP na makakatulong nila ang kanilang mga kliyente at mga industriya na sumusuporta sa kanila kung tatagal pa ng ilang araw ang kanilang truck holiday.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Chinese at Lebanese nationals, arestado ng BI

Mon Nov 22 , 2021
NAARESTO ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Chinese at isang Lebanese national sa magkahiwalay na operasyon sa siyudad ng Roxas at Lapu-lapu. Ayon kay BI Intelligence Chief Fortunato Manahan, Jr., naaresto si Chen Chuishi, 35 anyos, sa labas ng kanyang bahay sa Brgy. Tanque, Roxas City. […]
%d bloggers like this: