Tricycle driver pinagbabaril sa Caloocan, patay

Share this information:

Todas ang isang 23-anyos na tricycle driver matapos itong pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Dead on the spot sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa katawan ang biktimang si Mark Angelo Mamait, residente ng Bagong Silang.

Batay sa ulat, bago maghatinggabi ng Miyerkules, kakain sana ang biktima ng mami sa Langit Road, Brgy. 176, Bagong Silang matapos maghatid ng pasahero nang pagbabarilin ito ng hindi kilalang mga suspek na pawang nakatakip ang mga mukha.

Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi matukoy na direksyon habang naiwan ang duguan at walang buhay na katawan ng biktima.

Sa pahayag ng ina ng biktima, wala umano silang alam na may nakaaway ang kanyang anak.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto sa mga suspek habang inaalam pa ang tunay na motibo sa insidente.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Kelot kulong sa baril at shabu sa Valenzuela

Sat Feb 13 , 2021
Rehas na bakal ang kinasadlakan ng isang hinihinalang drug personality matapos makuhanan ng baril at shabu sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega ang naarestong suspek na si Erwin Gutierrez alyas “Erwin Cute,” 43 anyos, ng 4052 Tiago St., Brgy. Mapulang Lupa. Ayon […]

Follow Us

%d bloggers like this: