Construction worker na dadalo sa hearing, itinumba ng riding-in-tandem

Share this information:

LAGUNA–Tinambangan ng riding in tandem ang isang mag-asawa na dadalo sana sa court hearing sa Barangay Talangka, Sta. Maria, Laguna noong isang linggo.

Ang itinumbang biktima  ay nakilalang si Fidel Valentine y Aday, 57 anyos na construction worker, ng Sitio Kamagong, Barangay Cueva, Sta. Maria, Laguna.

Sa salaysay ng kanyang asawa na si Janet Valentin, magka-angkas sila sa motorsiklo patungo sa Mabitac, Laguna upang dumalo sa hearing sa korte bandang alas 8 ng umaga.

Nang sumapit sila sa nasabing lugar ay nagulat na lamang sila nang may lumapit na mga kalalakihan  at pinagbabaril si Fidel.

Matapos ang insidente ay mabilis na sumakay ng motorsiklo ang dalawang lalaki at tumakas patungong Barangay Cabouan, Sta. Maria, Laguna.

Nadatnan pa ni PLt. Aubren Paul Odejar ng Sta. Maria Municipal Police Station ang buhay pa at nakahandusay na duguang biktima.

Mabilis na dinala ang biktima sa Laguna Provincial Hospital upang gamutin ngunit agad din itong binawian ng buhay.

Narekober sa crime scene ang dalawang cartridge na caliber .45 habang nagsasagawa pa ng follow-up investigation ang Sta. Maria MPS sa nasabing pamamaril.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Tricycle driver pinagbabaril sa Caloocan, patay

Sat Feb 13 , 2021
Todas ang isang 23-anyos na tricycle driver matapos itong pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo sa Caloocan City kamakalawa ng gabi. Dead on the spot sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa katawan ang biktimang si Mark Angelo Mamait, residente ng Bagong Silang. […]

Follow Us

%d bloggers like this: