Kelot kulong sa baril at shabu sa Valenzuela

Share this information:

Rehas na bakal ang kinasadlakan ng isang hinihinalang drug personality matapos makuhanan ng baril at shabu sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega ang naarestong suspek na si Erwin Gutierrez alyas “Erwin Cute,” 43 anyos, ng 4052 Tiago St., Brgy. Mapulang Lupa.

Ayon kay Col. Ortega, dakong 11:40 ng gabi nang i-serve ng mga tauhan ng Valenzuela Police Station Intelligence Section (SIS) sa pangunguna ni P/Major Marissa Arellano ang isang search warrant kontra sa suspek dahil sa paglabag sa RA 10591 sa kanyang bahay na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya.

Narekober ng mga pulis sa suspek ang isang cal. 38 revolver na kargado ng isang bala, black holster, rolled aluminum foil, patalim at isang plastic sachet na naglalaman ng nasa 5 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P34,000 ang halaga.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Act) at paglabag sa Sec. 11 under Art II RA 9165.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

100 Bataan farmers graduate from SM Foundation livelihood program

Sat Feb 13 , 2021
A total of 100 farmers from the province of Bataan representing the 218th batch of SM Foundation’s Kabalikat Sa Kabuhayan (KSK) on Sustainable Agriculture Program (SAP) graduated recently. Graduation rites were held at the Bulwagan ng Bayan, Dinalupihan Bataan. The 100 graduates of KSK completed the training through the collaborative […]

Follow Us

%d bloggers like this: