Travel ban sa mga bansang may kaso ng bagong variant ng SARS-COV 2, paiiralin

IPATUTUPAD na ang mahigpit na pagbabawal na makapasok sa Pilipinas ang mga pasahero mula sa mga bansang may kaso ng bagong variant ng coronavirus disease.

Sa abisong ipinalabas ng Department of Transportation (DOTr), epektibo ng hatinggabi ng Disyembre 30 ang travel ban bilang pag-iingat na makapasok at dumami ang tamaan ng bagong strain ng virus na patuloy pang pinag-aaralan.

“This is a precautionary measure put into place by the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases in preventing the entry of second COVID-19 strain which was recently detected,” ayon sa pahayag ng DOTr.

Kabilang sa mga mayruong umiiral na travel ban ay ang mga Pilipino at dayuhang magmumula ng mga sumusunod na bansa:

  1. United Kingdom
  2. South Africa
  3. Switzerland
  4. Italy
  5. Denmark
  6. Israel
  7. Hong Kong
  8. Spain
  9. Ireland
  10. Netherlands
  11. Singapore
  12. Lebanon
  13. Japan 
  14. Canada
  15. Germany
  16. Sweden
  17. Australia
  18. France
  19. Iceland
  20. South Korea

Nauna nang nag-apruba ng resolusyon ang IATF upang higpitan ang pagpasok ng mga biyahero mula sa mga bansang may naitalang mga kaso ng bagong coronavirus strain.

“The restriction applies to all travelers/passengers, whether Filipinos or foreigners. Travelers from any other country that subsequently reports the presence of the new COVID-19 strain shall likewise be banned from entering the Philippines,” ayon pa sa abiso.

Para sa mga pasaherong nasa biyahe na o dumaan sa mga bansang kasama sa travel ban bago ang Disyembre 30, papayagan pa rin silang makapasok ngunit isasailalim ng 14 araw na mandatory quarantine kahit pa magnegatibo sa RT PCR test. (V. Reyes)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.