KALABOSO ang tatlong indibidwal na hinihinalang sangkot sa operasyon ng ilegal na droga kasunod ng buy-bust operation sa Navotas City.
Tinukoy ni Navotas City Police chief Colonel Rolando Balasabas ang pagkakakilanlan ng mga naarestong suspek na si Regie Lacsa, 33, Ruby Albetia, 51, at Orlando Ramirez, 42, pawang mga residente ng Market 3, Barangay NBBN.
Nabatid kay Balasbas na ikinasa ng mga operatiba nito ang operasyon dakong alas-4:45 ng madaling araw at nagawang makabili ng nagpanggap na buyer ng P300 halaga ng umano’y shabu mula sa mga suspek.
Nang iabot na ng suspek ang shabu ay agad na silang sinunggaban ng mga awtoridad.
Nakumpiska rin mula sa tatlo ang tinatayang 9 na gramo ng pinaniniwalaang shabu na may street value na P61,200.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga naarestong suspek.