HIHINTAYIN pa ng Department of Justice (DOJ) ang pormal na paghahain ng kaso laban sa mga suspek sa umano’y panghahalay at pagpatay sa flight attendant na si Christine Dacera.
Pahayag ito ni Justice Secretary Menardo Guevarra bago aniya ang paglalabas ng travel alert sa mga suspek.
Kasabay nito, tiniyak ng kalihim na nagsasagawa na rin ng sariling pagsisiyasat ang National Bureau of Investigation (NBI) sa insidente.
Magugunitang natagpuang patay si Dacera sa loob ng Room 2209 ng City Garden Grand Hotel sa Makati nuong Enero 1.
Labing-isang indibidwal na nakasama ni Dacera sa hotel ang itinuring na suspek, tatlo sa mga ito ang nasa kustodiya ng pulisya habang walo pa ang tinutugis.

