Halos 400 pulis, sibak sa ilegal na droga

UMABOT na ngayon sa halos 400 pulis ang nasibak sa serbisyo dahil sa ilegal na droga simula nuong taong 2016.

Sa tala ng Philippine National Police (PNP), nasa 382 na mga pulis ang natukoy na nagpositibo sa paggamit ng illegal drugs kasunod ng regular na pagsusuri o drug testing ng institusyon.

Matapos na magpositibo sa drug test, agad na sinasampahan ng kaukulang mga kaso ang mga pulis.

Maliban sa 382 na nasibak sa PNP, mayruon pang 39 ang hinihintay o pending ang resolusyon ng kanilang mga kaso.

Batay sa datos ng PNP Crime Laboratory para sa  taong 2020, umabot na sa  173,133 random drug tests ang kanilang naisagawa. Pinakahuli sa mga nagpositibo ang tatlong PNP personnel na kinabibilangan ng graduating police cadet, isang pulis at isang non-uniformed personnel.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.