SINABI ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Maynila na bumaba ang traffic violation at road accidents sa lungsod ng 90 percent at 62 percent na magkasunod matapos ipatupad ang no contact apprehension policy (NCAP) sa lungsod.
Ito ay batay sa datos ng Manila Police District noong 2021, ayon sa Manila LGU.
Sinabi ni Manila Mayor Honey Lacuna na nagpabuti sa sitwasyon ng trapiko ng lungsod at ginawa itong mas ligtas para sa mga motorista at pedestrian ang patakaran ng NCAP.
“The evidence shows that NCAP keeps traffic flowing smoother and faster and keeps motorists, bicycle users, and pedestrians safe on the city roads and streets,” ayon kay Lacuna noong Miyerkules.
Higit sa lahat, nagpapakita ito na ang NCAP ay epektibo sa pagpapanatiling maayos at mahusay ang trapiko sa lungsod habang pinoprotektahan din ang kaligtasan ng mga pedestrian at motorista, dagdag niya.
Sa kabila nito, iniutos ng Korte Suprema ang pagsuspinde sa patakaran ng NCAP .
Sinabi ni Lacuna na susundin ng lokal na pamahalaan ang direktiba ng mataas na hukuman.
“Nevertheless, we are prepared to comply with the Supreme Court’s TRO while also taking measures to benefit all stakeholders even while NCAP is suspended,” dagdag ng mayora
Samantala, maglalagay din ang lokal na pamahalaan ng mas maraming traffic enforcer sa kalsada kasunod ng pagsususpinde ng NCAP.