Barangay Kagawad, patay sa pananaksak sa Bataan

DEAD on arrival sa Bataan General Hospital (BGH) ang isang barangay kagawad makaraang saksakin ito pasado alas siete ng gabi kahapon sa Brgy. St. Francis 2, Limay, Bataan. 

Sa inisyal na ulat ng Bataan Provincial Police Office (PPO), kinilala ni Bataan Police Director Police Col. Romell Velasco ang biktimang si Darwin Aboganda, 46 anyos, at residente ng naturang barangay.

Nabatid sa imbestigasyon na kagagaling lamang umano ni Aboganda sa isang basketball game at habang naglalakad umano pauwi pagsapit sa madilim na bahagi ng Purok 3 ay sinaksak umano ito sa dibdib ng isang hindi pa nakikilalang lalaki. 

Dinala ito sa Limay Community Clinic para sa initial treatment bago inilipat sa BGH sa Balanga City at idineklarang DOA ng attending physician.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa naturang krimen. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.