Tindahan ng medical supplies sa Maynila, nasunog

Share this information:

UMABOT sa ikalawang alarma ang sunog sa ikalawang palapag ng isang commercial building sa Mayhaligue St., Sta. Cruz, Maynila kagabi.

Sa ulat ng Manila Fire Department, sumiklab ang sunog alas 10 ng gabi at naapula matapos ang apat na oras.

Nahirapan umano ang mga bumbero dahil ang mga nasusunog ay tindahan ng medical supplies kung saan may mga nakaimbak na mga alcohol, mga bulak, latex gloves, at mga kutson ng kama.

Tinatayang nasa P11 milyon ang halaga ng napinsala pero wala namang naiulat na nasawi o nasaktan sa sunog.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa kung ano ang tunay na sanhi ng sunog.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.