Briton na sinasabing sex offender, inaresto sa Misamis Occidental

Share this information:

INARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang isang 64-anyos na lalaki na dating nang may kaso bilang sex offender dahil sa pagpapatakbo o pagmementine ng isang child sex website sa Pilipinas.

Kinilala ang suspek bilang si John Crotty, isang Briton, na naaresto noong September 15 sa kanyang inuupahang bahay sa Tangub City, Misamis Occidental ng mga ahente ng Fugitive Search Unit and Intelligence Division ng BI sa pakikipagtulungan ng Tangub City police.

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, si Crotty ay iniimbestigahan din dahil sa umanong pamimirata ng mga pelikula matapos na makuhanan ng mga ebidensiya na nagpapakalat umano ito ng mga malalaswang larawan ng mga batang Pilipinang kababaihan sa kanyang website at mga social media account.

Si Crotty ay nakulong ng anim na taon sa United Kingdom bilang isang sex offender saka ito nagtungo ng Pilipinas nang nakalabas sa kulungan.

The arrest followed after receiving official communication from British authorities informing us that Crotty became the subject of an Interpol green notice that was issued last Feb. 21,” ayon kay BI Intelligence Chief Fortunato Manahan, Jr.

Paliwanag ni Manahan, si Crotty ay nagtago na sa Pilipinas simula noong February 6 noong dumating ito bilang turista at  hindi na ni-renew ang kanyang visa.

These predators pose a serious threat to our women and children and there is no place for them here,” ayon kay Tansingco.

 Si Crotty ay kabilang na sa listahan ng BI blacklist at hindi na pinapayagang muling makapasok ng bansa.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.