Breaking News

Share this information:

HINDI bababa sa 400 ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa hanay ng mga empleyado ng isang business process outsourcing (BPO) firm sa Davao City.

Inihayag ito ni Dr. Marjorie Culas, Davao City assistant health officer, kasabay ng kanyang pag-uulat sa sitwasyon ng COVID-19 sa lungsod.

Ayon kay Culas, aabot sa 1,000 indibidwal ang isinalang sa pagsusuri at 403 ang nagpositibo sa virus.

“We had surveillance…we tested 1,000 and 403 yielded positive results. That is a very high number, that is why we are really forced to lock down the area,” ani Culas.

Sinabi ni Culas na patunay ito na mayruong pagtataas ng mga kaso ng virus infection sa mga lugar ng trabaho.

Sa ngayon ay umaabot na sa 7.47% ang positivity rate sa Davao City o ang bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 mula sa naisalang sa test.

“That percentage is high because the Department of Health standard is at 5%,” pahayag ni Culas.

Sa ngayon ay umaabot na ng 8.34 kada 100,000 populasyon ang COVID-19 daily attack rate sa Davao City sa nakalipas na dalawang linggo habang ang healthcare utilization rate nito ay nasa 85% na maituturing na critical level.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: