Tax provision para sa national athletes, lusot na sa Kamara

Share this information:

LUSOT na sa House Committee on Ways and Means ang panukalang “tax provisions” na naglalayong magkaloob ng pagkilala at iba pang mga pribilehiyo para sa mga pambansang atleta.

Sa pagdinig ng naturang komite ngayong Lunes, inaprubahan ang “substitute bill” ng House Bills 5782, 9956 at 10024 o tatawaging “Bayaning Atletang Pilipino Act.”

Bukod sa pagbibigay-pugay sa mga natatangging atletang Pinoy na nagbigay karangalan sa bansa, layon din ng panukala na magtatag ng “National Endowment Fund for Sports Heroes.”

Sa oras na maging ganap na batas, ang naturang pondo ay gagamitin para sa mga benepisyo ng mga atleta upang matiyak na magtutuloy-tuloy ang kani-kanilang “training, development, at participation” sa iba’t ibang international competitions.

Inihayag naman ng Department of Finance na patuloy pa nilang pinag-aaralan ang naturang panukala, lalo’t sa usapin ng pondo at maaaring epekto ng probisyon na ito pagdating sa usapin ng pagbubuwis.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Comelec, aprubado na ang honoraria, allowance ng mga guro na magsisilbi sa halalan

Mon Nov 29 , 2021
INAPRUBAHAN na ng Commission on Elections (Comelec) ang hiling ng Department of Education (DepEd) na taasan ang “honoraria” at iba pang mga allowance ng mga guro at personnel na magsisilbi sa Eleksyon 2022. Inilatag naman ni DepEd Director for Procurement Management Service Marcelo Bragado ang “matrix” ng honoraria at allowance […]
%d bloggers like this: