Diskuwento, “exemption” sa VAT sa kuryente at tubig ng senior citizen, pasado na sa Kamara

Share this information:

PASADO na sa House Committee on Ways and Means ang panukalang “tax provisions” na naglalayong taasan ang diskwento at “exemption” mula sa Value Added Tax (VAT) sa binabayarang kuryente at tubig ng mga senior citizen.

Inaprubahan ngayong Lunes ang “substitute bill” ng House Bills 1903 at 3040 na mag-aamyenda sa Republic Act 7432 o ang Expanded Senior Citizens Act of 2021.

Batay sa panukala, bibigyan ng hindi bababa sa 10 porsiyento na diskwento ang mga nakatatanda sa kanilang buwanang water at electricity bill, at libre na sa VAT.

Kailangan lamang na dapat naka-rehistro o nakapangalan sa senior citizen ang metro ng kuryente at tubig; at ang buwanang konsumo ay hindi hihigit sa 150 kilowatts per hour sa kuryente, at 30 cubic meters naman para sa konsumo ng tubig.

Bukod sa mga benepisyong nabanggit, ang pribilehiyo ay para sa kada “household” kahit ilan pa ang senior citizen na nakatira rito, at kung ang rehistradong nakatatanda ay patuloy na nakatira sa naturang address.

Nagpahayag naman ng agam-agam ang Department of Finance (DOF) sa ilang isyu sa panukala, gaya ng posibleng pag-abuso rito.

Ayon pa kay Lyonel Tanganco ng DOF, ang panukala ay maaaring hindi naaayon sa TRAIN Law.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.