Tauhan ng Philippine Coast Guard, timbog sa extortion sa Zamboanga City

KALABOSO ngayon ang isang tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Zamboanga City dahil umano sa pangingikil sa mga aplikante ng organisasyon.

Ayon sa PCG, isang aplikante ang naghain ng reklamo laban kay apprentice seaman Aldasher I Anni matapos na manghingi umano ng P85,000 mula sa mga aplikante upang mabilis na maiproseso at mailabas ang medical at dental clearances kahit hindi dumaaan sa naangkop na pagsusuri.

Isang entrapment operation ang ikinasa ng PCG Intelligence Operatives at Philippine National Police sa isang hotel sa Veterans Avenue sa Zamboanga City at huli sa akto ang suspek na tumanggap umano ng “lagay” mula sa aplikante.

Nasamsam ng mga awtoridad ang P1,000 marked money gayundin ang boodle money na P132,000. Dinala na ng mga awtoridad si Anni sa Sta. Maria Police Station 7 habang inihahanda ang kasong Anti-Graft and Corrupt Practices Act at paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees laban sa kanya.

Iniutos na rin ni PCG Commandant Vice Admiral Leopoldo Laroya na imbestigahan ang iba pang mga opisyal o non-officers na maaaring kasabwat ni Anni sa modus nito.

The PCG will never tolerate extortion or any act of corruption among its personnel,” diin ni Laroya.

“This incident is a warning to the men and women of the Coast Guard that unscrupulous practices will result in the removal of their dignity as public servants and waste their years of service to the nation,” dagdag pa nito.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.