Simula ng operasyon ng MRT-7, sa Abril 2022 na — DOTr

MAGSISIMULA na sa Abril 2022 ang operasyon ng  Metro Rail Transit Line 7 (MRT-7), ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Tuloy-tuloy na po ‘yan operational na po ito ng April next year (it will be operational by April next year),” said DOTr Secretary Arthur Tugade in an interview.

Gusto ko pang paspasan, ‘yung tren nandiyan na,” dagdag ni Tugade.

Ang P63-bilyong proyekto na ito ay sinimulan noong Abril 2016. Mayroon itong 14 na istasyon na magdurugtong sa MRT 3 North Avenue sa Quezon City hanggang San Jose del Monte sa Bulacan.

Magkakaroon din ng 22 kilometrong asphalt road mula sa Bocaue Interchange ng North Luzon Expressway (NLEX) patungo sa intermodal terminal sa Tala, Caloocan na sasalungat sa operasyon ng northern provincial bus sa San Jose del Monte upang mabawasan ang traffic congestion sa EDSA.

Noong ika-7 ng Setyembre, mayroong dalawang train set o kabuuang anim na train car ang dumating sa bansa mula sa South Korea. 

Sinabi naman ng San Miguel Corporation na inaasahan nilang darating ang 108 pang coaches sa mga susunod na buwan.

Ang San Miguel Corp. ay ang katuwang sa pagsasagawa ng MRT-7. Nauna nilang ginawa ang installation ng unang train set na nanggaling sa Hyundai Rotem sa South Korea.

Sa kabilang banda, sinabi naman ni Tugade na ang tinatawag na Common Station sa North Avenue sa lungsod ng Quezon ay matatapos ngayong Disyembre. 

Ang Common Station sa North Avenue ang magdurugtong sa MRT-3, MRT-7 at Light Rail Transit Line 1 (LRT-1).

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.