Breaking News

Share this information:

APRUBADO na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapabakuna sa general population o sa lahat ng mga Pilipino gayundin sa mga menor de edad.

Inihayag ito ni Presidential spokesperson Harry Roque na ang ibig sabihin ay hindi lamang para sa mga nasa prioritization list sa ilalim ng vaccination program ng pamahalaan ang pupuwedeng mabakunahan.

Ayon kay Roque, sa buwan ng Oktubre na inaasahang magsisimula ang bakunahan para sa general public at kabataan.

Kasabay nito ay hinihinakat ng Malakanyang ang mga magulang na iparehistro na ang kanilang mga menor de edad na anak upang maisalang sa sandaling simulan na ang bakunahan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: