Tatlong-taong gulang na bata, nasawi sa sunog sa Tondo, Maynila

Share this information:

PATAY ang isang tatlong-taong-gulang na batang babae sa naganap na sunog sa isang residential area sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang nasawi na si Cia Sophia Quilit.

Sa inisyal na ulat ng Bureau of Fire Protection, sumiklab ang sunog sa Pilapil Street pasado alas dos ng madaling araw ng Martes.

Umabot ng ikatlong alarma ang sunog  at idineklarang fire out alas 3:58 ng madaling araw.

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang pinagmulan at halaga ng pinsala ng sunog, na di-umano ay nagsimula sa ikalawang palapag ng bahay ng pamilya Quilit.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.