Lalaking nagpanggap na sundalo, arestado sa Maynila

Share this information:

ARESTADO ang isang lalaki na nagpanggap na sundalo matapos masita sa paglabag sa batas trapiko sa Maynila.

Sa ulat ng  Ermita Police Station, kinilala ang suspek na si Romeo Puyat Jr. na taga Pampanga na kuntodo unipormado pa ng pagiging isang sundalo.

Ayon kay P/Lt. Col. Evangeline Cayaban, hepe ng Ermita Police Station, nasita ang suspek dahil sa kanyang pag-counterflow.

Sinabi pa ni Cayaban na pumalag din noong una si Puyat at sinabing siya ay sundalo at nagmamadali  kaya nagawa nitong magcounterflow.

Alibi umano ng suspek, lumuwas ito ng Maynila dahil mag-aaply bilang Overseas Filipino Worker (OFW) kung saan nakuha sa kanya ang tatlong pasaporte na ang isa ay nakapangalan sa kanya habang ang dalawa pang pasaporte ay pag-aari ng kanyang kasintahan at kaibigan.

Nang hingan ng iba pang dokumento o identification card bilang sundalo, tanging ang ID niya na security guard lamang ang kanyang naipakita.

Maging ang gamit nitong kulay itim na SUV ay wala ring maipakitang rehistro.

Dahi dito, mahaharap sa patung-patong na kaso ang suspek.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.