Breaking News

Share this information:

INARESTO ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong South Korean na wanted sa kanilang bansa dahil sa pag-ooperate ng illegal gambling online.

Kinilala ni  BI Commissioner Jaime Morente ang tatlo na sina Cho Chang Joo, 26 anyos, Beom Dawon, 26 anyos, at  Hong Changwoo, 29 anyos, na inaresto sa loob ng isang condominium unit sa  Bgy. San Lorenzo, Makati ng mga operatiba ng Bureau Fugitve Search Unit (FSU).

Ang tatlo ay inaresto sa bisa ng kautusan na inisyu ni Morente dahil sa kahilingan ng mga awtoridad sa South Korea kung saan ang kanilang pasaporte ay kanilang kinasela dahil sa pagiging undocumented nito.

Ayon kay BI FSU Chief Bobby Raquepo, ang tatlo ay may nakabinbin na arrest warrant na inisyu ng Busan, South Korea dahil sa kasong paglabag sa illegal gambing sa kanilang lugar.

“The three will face deportation and will be sent back to their country of origin to face Korean courts,” ayon kay Morente.  “They will likewise be included in the Bureau’s blacklist, effectively barring them from re-entering the country,” dagdag pa nito.

Nasa listahan din sila ng red notice ng South Koreans na inisyu ng Interpol noong 2019.

Nabatid sa record ng South Korean prosecutors na nagsimula ang kanilang raket noong 2019 nang magbukas sila ng website para sa pustahan sa laro kung saan sila kumita mula sa mga tumataya.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: