Breaking News

Share this information:

IBINASURA ng Korte Suprema ang hirit ni Janet Napoles, ang binansagang “pork barrel fund scam queen,” na makapag-piyansa at maisailalim na lang sa house arrest. 

Sa desisyon ni Associate Justice Mario Lopez ng Second Division, hindi umano kwalipikado na payagang makapag-piyansa si Napoles dahil convicted siya sa kasong plunder na may kaugnayan sa pork barrel fund scam kasama si Sen. Bong Revilla noong 2018.

Si Napoles ay naghain ng Motion for Bail or House Arrest noong Enero at idinahilan na siya umano ay mayroong diabetes at delikado na mahawa ng COVID-19 sa kulungan. Bukod dito, may panawagan din umano ang international community na palayain na ang mga preso dahil sa COVID-19 pandemic. 

Gayunman, ayon kay Lopez, hindi dapat na dahilan ang pagkakaroon ni Napoles ng diabetes upang siya ay pansamantalang palayain. 

The presumption of innocence and the constitutional right to bail end after the accused’s conviction of a capital offense,” nakasaad pa sa resolusyon ng Kataas-taasang Hukuman. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: