Breaking News

Share this information:

WALA dapat gagastusin ang mga overseas Filipino workers (OFWs) pagdating sa bansang Qatar, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Paglilinaw pa ng kagawaran, ang mga OFWs na papasok sa naturang bansa ay hindi dapat balikatin ang kanilang quarantine at RT-PCR test.

Base na rin ito sa posisyon na ipinaabot ng Ministry of Labor Affairs ng Qatar sa pakikipag-ugnayan ng DOLE

Sasagot sa hotel quarantine at testing ng mga OFWs pagpasok sa naturang bansa ay ang mga employer maliban na lamang kung may hiwalay na  kasunduan ng OFW, ayon sa abiso ng Qatar Ministry Labor Affairs.

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na kung hindi ito ginawa ng Qatari government ay ikinokonsidera niya ang pagpapatupad ng suspensiyon sa deployment tulad nang ginawa sa Saudi Arabia.

Samantala, inihayag rin ng DOLE na inaasahan ang lalo pang pagbubukas ng oportunidad ng trabaho sa bansang Romania.

Kasunod ito ng nilagdaang labor agreement sa pagitan ng DOLE at ng mga awtoridad sa Romania.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: