Limang drug suspect, tiklo sa Navotas at Valenzuela

Share this information:

Limang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga ang arestado sa magkakahiwalay na drug operation ng pulisya sa mga lungsod ng Navotas at Valenzuela.

Dakong 10 ng gabi nang makuhanan ng tatlong plastic sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P680 ang halaga ng mga tauhan ng Navotas Police Sub-Station 4 sa pangunguna ni P/Capt. Resty Descalzo na nagsasagawa ng surveillance at validation sa R10 Road, Brgy. NBBS Proper, sina Joel Bacolor, 30, at Anthony Victorio, 29, kapwa ng Brgy. NBBN.

Timbog din si Charlie Castro, 53, mason ng Brgy. Bayanbayanan, Malabon City matapos makumpiskahan ng mga sachet ng hinihinalang shabu ng mga operatiba ng Navotas Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLt. Genere Sanchez sa isinagawang covert patrolling at anti-illegal drug validation sa Tawirang Kwatro, Brgy. San Roque alas-11 ng gabi.

Sa Valenzuela naman, alas-4 ng madaling araw nang masakote ng mga operatiba ng Valenzuela Police SDEU sa pangunguna ni PLt. Robin Santos sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Fernando Ortega si Levi Christopher Santos, 32 anyos, matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu si PCpl. Dario Dehitta na nagpanggap na buyer sa buy-busy operation sa Ablos Bukid St. Gumamela Ext., Brgy. Gen. T. De Leon.

Ayon kay SDEU investigator PSSgt. Ana Liza Antonio, nakuha ni PSSgt. Gabby Migano sa suspek ang nasa 4 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P27,200 ang halaga, buy-bust money, P320 bills at cellphone.

Nauna rito, alas-11 ng gabi nang madakma din ng kabilang team ng SDEU sa buy-bust operation sa Villa Martha Subdivision, Brgy. Gen T De Leon si Oscar Ortiz, 39 anyos.

Ani SDEU investigator PSSgt. Carlito Nerit Jr., nakuha kay Ortiz ang nasa 2 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P13,600 ang halaga, P300 marked money, P220 cash at cellphone.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Sekyu sugatan sa pamamaril sa Malabon

Fri Jan 29 , 2021
Nasa malubhang kalagayan ang isang security guard matapos barilin ng isang hindi pa nakikilalang suspek makaraang komprontahin nito ang biktima sa Malabon City kahapon ng madaling araw. Kasalukuyang inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong tama ng bala sa kaliwang braso na tumagos sa katawan ang biktimang si Ronnie […]

Follow Us

%d bloggers like this: