Breaking News

Share this information:

Sa loob ng tatlong araw na libreng  COVID-19 swab test ng pamahalaang lungsod ng Maynila sa  Quirino Grandstand, apat na ang  naitalang nagpositibo ayon sa tala ng Manila Health Department  (MHD).

Sa kabuuan, nasa 242 katao na ang sumailalim sa libreng swab test sa Quirino Grandstand mula Enero 18 hanggang Enero 20, 2021. Sa nasabing bilang, 238 ang negatibo ang resulta habang ang apat ay positibo sa sakit.

Sa apat na ito, isa ang taga Maynila at tatlo ang hindi.

Ayon kay Manila Public Information Office Chief Julius Leonen, nakikipag-ugnayan na ang MHD sa mga LGU kung saan nakatira ang mga hindi taga Maynila na nagpositibo sa sakit upang sila ay madala sa kani-kanilang quarantine facility.

Bukod sa drive thru sa  Quirino Grandstand, may libreng “walk-in” swab testing din ang lokal na pamahalaan para sa mga residente at hindi residente ng lungsod na matatagpuan sa Sta. Ana Hospital at Delpan Quarantine facility.

Kailangan lamang makipag-ugnayan sa  Manila Emergency Operation Center ang indibidwal na nais sumalang sa swab test  para makapag-schedule ng appointment. 

Maaari ding kumontak sa mga numerong 09052423327; 09983226367; 09636023177; at 09555875976 upang makakuha ng schedule ng swab test.  

Samantala, sa  pinakahuling datos ng MHD, umabot na sa 393 ang naitalang aktibong kaso sa lungsod ng Maynila. 

Pumalo naman sa kabuuang 25,911 ang nagkaroon ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod kung saan nasa 24,742 naman ang tuluyang gumaling sa nasabing sakit. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: