Breaking News

Share this information:

Inihayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) na maaaring mag-aplay ng cash assistance mula sa gobyerno ang mga empleyado na  apektado ng pansamantalang pagsasara ng  Makati Shangri-La Hotel.

Maaari umanong  makakuha ng kanilang COVID-19  Adjustment  Measures Program (CAMP) ang mga manggagawa sa  sektor ng turismo. 

“The CAMP tourism (facility) remains open and extended so they can apply for the cash assistance,” ayon kay DOLE Assistant Secretary Dominique Tutay  sa isang media forum.

Ang CAMP na one-time cash assistance na P5,000  ay inaasahang magbebenepisyo sa milyong mga  formal sector worker na natanggal o nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

Layon ng CAMP na makinabang ang higit 600,000 manggagawa sa sektor ng turismo  na isa sa  pinakalubhang naapektuhan ng  pandemya.

Ayon sa DOLE, sa pamamagitan ng CAMP ay umabot na sa mahigit 950,000 manggagawa na ang  nakatanggap  ng  ayuda mula sa gobyerno.

Ang pahayag ng DOLE ay kasunod na rin ng anunsyo ng nasabing hotel  na simula Pebrero 1 ay pansamantala itong  isasara dahil  sa epekto na rin ng pandemya.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: