Breaking News

Share this information:

Inabsuwelto ng Department of Justice (DOJ)  si Sen. Aquilino “Koko” Pimentel  sa kasong paglabag sa quarantine protocol. 

Ito ay matapos na ibasura ng DOJ ang kasong paglabag sa RA 11332 o ang “Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act” na isinampa ni Atty. Rico Quicho, dating dean ng University of Makati School of Law, laban sa senador. 

Magugunitang nagpositibo sa COVID-19 si Pimentel  noong Marso ng nakalipas na taon at nagtungo pa siya sa Makati Medical Center  sa mismong araw kung kailan lumabas ang resulta ng kanyang swab test na positibo siya sa naturang sakit. 

Ayon sa DOJ, hindi umano obligado si Pimentel  na sumunod sa mandatory reporting ng RA 11332 dahil hindi naman siya health authority. 

Bukod dito,  hindi rin makakarguhan si Pimentel na lumabag sa batas dahil hindi naman niya alam na siya ay Covid positive bago pa siya magtungo sa pagamutan at sa isang kilalang shopping center sa Bonifacio Global City sa Taguig. 

Hindi rin umano “proper party” si Quicho para maghain ng reklamo dahil ibinase lamang niya ang reklamo sa mga naglabasang balita na umano’y isang hearsay. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: