Tatlo, timbog sa shabu at baril sa Caloocan

Share this information:

Sa kulungan ang bagsak ng tatlong katao matapos makuhanan ng shabu at baril sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya sa Caloocan City.

Dakong alas 10 ng gabi nang parespondehan ni West Grace Park Police Sub-Station deputy Commander PLt. Ronald Allan Soriano sa kanyang mga tauhan ang kanilang natanggap na tawag sa telepono mula sa isang concerned citizen.

Ito ay hinggil di-umano sa isang grupo ng indibidwal na nagsasagawa ng transaksyon sa ilegal na droga sa kahabaan ng Diwa St. Brgy. 59 ng nasabing lungsod.

Pagdating sa lugar, naaktuhan ng mga pulis ang naturang grupo na nagsasagawa ng transaksyon ng ilegal na droga subalit nang mapansin sila ay mabilis na nagtakbuhan ang mga suspek.

Gayunman, nagawa pa ring maaresto ng mga pulis sina Orlando Topacio, 40 anyos, ng Tondo, Maynila, at John Michael Cangas, 18 anyos, ng DM Compound, Brgy. 73 at nakumpiska sa kanila ang apat na plastic sachets na naglalaman ng nasa 3.05 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P20,740 ang halaga.

Nauna rito, dakong alas 3:30 ng hapon nang magtungo ang mga tauhan ng Caloocan Amparo Police Sub-Station sa pangunguna ni PCpt. Jansen Ohrelle Tiglao sa Blk 18 Lot 8&9, Miramonte Park Subdivision, Brgy. 180 upang ihain ang search warrant No. SW- 203 na may petsang February 19, 2021 na inisyu ni Hon. Raymundo Vallega, Executive Judge ng Branch 139, Regional Trial Court Caloocan City, para sa paglabag sa R.A 10591, na nagresulta naman sa pagkaka-aresto kay George Adalem Gonzales, 44 anyos.

Narekober sa kanya ang isang cal. 38 revolver na kargado ng anim na bala at .45 caliber pistol na may isang magazine at kargado ng limang bala.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Ginang arestado sa sugal at shabu

Tue Feb 23 , 2021
Balik-kulungan ang isang 45-anyos na ginang matapos makuhanan ng shabu makaraang maaresto ng mga pulis habang naglalaro ng cara y cruz sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi. Sa report ni Station Drug Enforcement Unit (SDEU) investigator PSSgt. Carlos Irasquin Jr. kay Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega, dakong alas 6 […]

Follow Us

%d bloggers like this: