Caloocan, bubuo ng task force para sa mga nakalaylay na kable

Share this information:

Bubuo ng task force ang pamahalaang lungsod ng Caloocan na siyang mangangasiwa sa pagsasa-ayos ng mga nakalaylay na kable ng kuryente at iba pa sa buong kalungsuran.

Nagkaroon ng dayalogo sa pagitan ng pamahalaang lungsod ng Caloocan at mga utility companies hinggil sa pagsasaayos ng mga kable na matatagpuan sa iba’t-ibang mga lugar sa lungsod.

Sa direktiba ni Mayor Oca Malapitan, nagsagawa ng dayalogo para sa layuning maging kaagapay ang mga utility companies sa pagsasaayos ng mga nakalaylay at mga sala-salabat na mga kable.

“Nais po natin matiyak ang seguridad ng mga mamamayan sa abala at peligrong dulot ng mga kableng ito. Kaya, hinihingi po namin ang inyong tulong at suporta upang linisin at isa-ayos ang mga ito. Ngayon pa lang po ay nagpapasalamat na tayo sa inyong magiging aksyon,” pahayag ni City Administrator at Officer-in-charge ng City Engineering Department Engr. Oliver Hernandez.

Sa dayalogo ay napag-desisyunan na bumuo ng task force na mangunguna sa proyekto at iba pang magiging bahagi ng pamahalaang lungsod at ng mga kumpanya hinggil sa proyekto.

Magkakaroon din ng memorandum of agreement na siyang tatalakayin sa susunod na dayalogo.

Kabilang sa mga nakibahagi sa dayalogo ay ang mga kinatawan mula sa Globe, Smart, Meralco, PDLT, Converge, at iba pa.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Tatlo, timbog sa shabu at baril sa Caloocan

Tue Feb 23 , 2021
Sa kulungan ang bagsak ng tatlong katao matapos makuhanan ng shabu at baril sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya sa Caloocan City. Dakong alas 10 ng gabi nang parespondehan ni West Grace Park Police Sub-Station deputy Commander PLt. Ronald Allan Soriano sa kanyang mga tauhan ang kanilang natanggap na tawag […]

Follow Us

%d bloggers like this: