Ginang arestado sa sugal at shabu

Share this information:

Balik-kulungan ang isang 45-anyos na ginang matapos makuhanan ng shabu makaraang maaresto ng mga pulis habang naglalaro ng cara y cruz sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Sa report ni Station Drug Enforcement Unit (SDEU) investigator PSSgt. Carlos Irasquin Jr. kay Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega, dakong alas 6 ng gabi, nagsasagawa ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng Sub-Station 8 Ugong sa Sia Compound, Lamesa St. Brgy. Ugong nang maispatan ng mga ito ang isang grupo ng mga tao na naglalaro ng cara y cruz.

Nang mapansin ng grupo ang presensya ng mga pulis ay mabilis nagtakbuhan ang mga ito sa magkakaibang direksyon habang nagawang maaresto ni PSSgt. Rodolfo Pidlaoan si Shirley Morales alyas “She” ng No. 6180 Mercado St. Gen. T. De Leon.

Nakuha ni PSMSgt. Loreto Gabol Jr. sa lugar ang tatlong piso coin na gamit bilang “pangara” at P140 bet money, habang narekober sa suspek ang isang coin purse na naglalaman ng apat na plastic sachets ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P6,800 ang halaga, postal ID at P100 bill.

Kasong paglabag sa RA 9165 at PD 1602 ang isinampa ng pulisya sa Valenzuela City Prosecutors Office kontra sa suspek na aminadong dati nang nakulong dahil sa ilegal na droga.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Obrero, timbog dahil sa P272K halaga ng shabu sa Caloocan

Tue Feb 23 , 2021
Shoot sa kulungan ang isang 52-anyos na construction worker matapos mahulihan ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan City kahapon ng madaling araw. Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., nakatanggp ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) mula sa isang […]

Follow Us

%d bloggers like this: