Tatlo, tiklo sa P340K shabu sa Valenzuela

NASAMSAM ng mga awtoridad ang mahigit P.3 milyon halaga ng hinihinalang shabu mula sa tatlo umanong drug personalities na naaresto sa isinagawang buy bust operation sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief PLt. Joel Madregalejo ang naarestong mga suspek na sina Jimmy Iligan, 46 anyos, construction worker, Darius Cabrales, 55 anyos, aircon technician, at Ernesto Savarez, 50 anyos, isang construction worker at pawang mga residente ng Brgy. Marulas.

Sa report ni PSSgt. Ana Liza Antonio kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr., dakong alas-7:30 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLt. Madregalejo ng buy-bust operation sa No. 34 De Guzman St., Brgy. Marulas.

Kaagad sinunggaban ng mga operatiba ang mga suspek matapos bentahan ng P7,000 halaga ng droga ang isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer.

Nakumpiska naman sa mga suspek ang pitong transparent plastic sachets na naglalaman ng humigit-kumulang sa 50 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P340,000, buy-bust money na isang tunay na P500 at 13 pirasong P500 boodle money, P350 cash, cellphone at pouch.

Kasong paglabag sa Section 5, 26 at 11 sa ilalim ng Article 2 ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa ng pulisya kontra sa mga naarestong suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.