Breaking News

Share this information:

ARESTADO ang tatlong hinihinalang sangkot sa ilegal na droga, kabilang ang isang buntis matapos makuhanan ng mahigit P.5 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni PLt. Joel Madregalejo, hepe ng Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang mga naaresto na sina Edgardo Dantes, 49 anyos, isang driver, Jovienal Nallano, 35 anyos, driver, kapwa ng Balanti St. Brgy. Ugong at Gina Tayahop, 30 anyos, ng Don Simeon St. San Agustin, Brgy. Mapulang Lupa.

Sa report ni Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr. kay Northern Police District (NPD) Director PBGen. Jose Hidalgo Jr., dakong alas-8:30 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLt. Madregalejo sa loob ng Cats Mover Compound 6059 Balanti St., Brgy. Ugong.

Kaagad inaresto ng mga operatiba ang mga suspek matapos bentahan ng P16,000 halaga ng droga ang isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer.

Ayon kay SDEU investigator PSSgt. Ana Liza Antonio, narekober sa mga suspek ang humigit-kumulang sa 75 gram ng hinihinalang shabu na may standard drug price (SDP) na P510,000, buy-bust money na isang tunay na P1,000 bill at 15 pirasong P1,000 boodle money, P900 cash, mga cellphone at mga sasakyan.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: