Breaking News

Share this information:

PINANGUNAHAN ni Manila City Mayor Francisco Domagoso ang  groundbreaking ceremony para sa redevelopment at konstruksyon ng bagong 10-storey Rosauro Almario Elementary School sa Tondo.

Kasama si Vice Mayor Ma. Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan sa nasabing aktibidad na bahagi ng modernization plan ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila sa sektor ng pampublikong edukasyon.

Si Domagoso, na isa ring produkto ng pangunahin at sekundaryong edukasyong pampubliko, ay nagsabing ang konstruksyon ay inilaan para sa pagsisikap ng gobyerno na bigyang kapangyarihan ang sektor ng pampublikong edukasyon sa kabisera ng bansa.

Sa maliit kong kaparaanan, sa tulong ng ating Vice Mayor Honey Lacuna, mga konsehal, we will empower the public education system by providing enough facility and good studying environment by putting all necessary recipe sa isang public education,” anang alkalde.

Let’s utilize the time to make the time in our favor na maging pamantayan ng pagkakatatag ng mga eskuwelahan sa buong Maynila at maaari natin din i-share sa kung kanino man na magtatag ng maayos, maaliwas at sapat na espyaso sa ating mga mag-aaral,” dagdag pa ni Mayor Domagoso.

Sa badyet na P1.9 bilyon, ang pagpapatayo ng bagong paaralan ay isa lamang sa tatlong modernisadong pampublikong paaralan na itinakdang itayo ng lokal na pamahalaan. 

Ang iba pang mga proyekto ay ang Dr. Alejandro Albert Elementary School at Manila Science High School.

Tiniyak ni Mayor Domagoso na ang mga guro at non-treaching personnel ay mananatili sa “radar” ng pamahalaang lungsod dahil inaasahan niya ang adyenda na hindi na kakailanganing lumipat ang mga guro para sa mas mabuting kalagayan sa pagtatrabaho.

You will always (be) in our radar. You are the priority of the city because I believe if we as government will address minimum basic needs – food, shelter, education, and health – I think kapag nagtagumpay tayo dun, mapapataas natin kahit unti-unti ang kalidad ng pamumuhay ng bawat pamilyang Manilenyo,” pahayag ni  Domagoso.

So to our teachers, today is a testament of our commitment to you. I hope someday you will not go to Hongkong, you will not go to Singapore, you will not go in any place. You will stay in this place, you will stay as our teachers,” dagdag pa ng alkalde.

Inaasahan din ni Domagoso na maging balanse ang ratio sa pagitan ng mga mag-aaral at guro sa isang pampublikong setting ng paaralan

Today we will not only give ample space for our students in the future, we are not only doubling the capacity of our property. There is a space for your future children.” 

Mararamdaman ng tao yung ikot ng pera. Iyan ang obligasyon ng pamahalaan. Hindi tayo magpapaawat, hinding-hindi tayo titigil,”  pahayag pa ni Domagoso.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: