Breaking News

Share this information:

REHAS na bakal ang hihimasin ng isang lalaki matapos nitong bentahan ng baril ang isang undercover police officer sa naganap na buy-bust operation sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni PLt.Col. Jay Dimaandal, hepe ng District Special Operation Unit (DSOU) ang naarestong suspek na si Richard Banal, 31 anyos, ng Kadiwa 4, Tulay desi nueva, Brgy. San Roque, Navotas City.

Sa report ni DSOU invetigator PMSgt. Julius Mabasa kay Northern Police District (NPD) Director PBGen. Jose Hidalgo Jr., nakatanggap ang mga operatiba ng DSOU ng impormasyon mula sa isang regular confidential informant (RCI) na nagbebenta umano ang suspek ng baril sa gilid ng Malabon Public Market sa F. Sevilla Brgy. Tanong.

Bumuo ng isang team ang DSOU sa pangunguna ni PLt. Glenn Mark De Villa at PSSgt. Allan Reyes Ignacio saka nagsagawa ng validation sa naturang lugar kung saan nagawang makipagtransaksiyon sa suspek ng RCI at PSSgt. Reynaldo Blanco na nagpanggap na poseur-buyer.

Pagkatapos ng transaksiyon, agad dinamba ng mga operatiba ang suspek at narekober ang isang cal. 22 revolver, 5 bala at buy-bust money na 3 pirasong tunay na P100 bills at isang piraso na P1,000 boodle money.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: