Tatlo pang national roads, hindi pa maaaring daanan dahil sa pinsala ni “Florita” — DPWH

Share this information:

TATLO pang national roads ang natukoy ng Department of Public Works and Highways (DPWH) – Bureau of Maintenance na hindi maaaring daanan ng mga motorista dulot ng pinsalang likha ni Severe Tropical Storm “Florita.”

Kabilang rito ang dalawang  national roads sa Cordillera Administrative Region , ang Claveria-Calanasan-Kabugao Road, sa Namaltugan, Calanasan, Apayao at Mt. Province – Ilocos Sur via Tue, Beto Section, Tue, Tadian, Mt. Province dahil sa bumagsak na mga bato.

Sarado rin sa lahat ng uri ng sasakyan ang Cabagan-Sta. Maria Road, Cabagan Overflow Bridge sa Isabela dahil sa mataas na tubig. 

Samantala, ang Luna-Bangar Road sa La Union ay hindi rin passable dahil sa baha.

Naglagay na ng mga warning sign at barikada ang DPWH Quick Response Teams sa mga apektadong seksyon.

Magpapatuloy ang mga clearing operation kapag maayos na ang panahon at ligtas para sa mga maintenance team.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.