Libreng Sakay, ikakasa ng lungsod ng Maynila

Share this information:

MAGPAPATUPAD ng Oplan: LIbreng Sakay ang pamahalaan ng lungsod ng Maynila bilang tugon sa anunsyo ng transportation groups na tigil pasada ng isang linggo simula Lunes.

Sa anunsyo ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan sa kanyang Capital Report program, inatasan niya ang Manila Police District (MPD), Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB), at Manila Disaster Risk Reduction & Management Office (MDRRMO) na mag-deploy ng mga sasakyan para sa posibleng mai-stranded na mga pasahero sa buong isang linggo.

Simula Lunes alas 5 ng umaga, ang MPD, MTPB, at MDRRMO ay magpapakalat ng 10 bus, 17 pick-up, tatlong truck, dalawang transporter, at isang command unit na bibiyahe sa ilang mga ruta.

  • Vito Cruz Taft Avenue hanggang Quezon Blvd
  • Espana Blvd hanggang Welcome Rotonda
  • Abad Santos Avenue hanggang R. Papa Rizal Avenue
  • UN Taft Ave hanggang R. Papa Rizal Avenue
  • Recto Ave hanggang SM Sta Mesa
  • UN Taft Ave hanggang P. Ocampo St.
  • Monumento Rizal Ave hanggang Divisoria
  • Buendia Taft Ave hanggang Divisoria
  • Buendia Taft Ave hanggang Monumento Rizal Ave
  • Buendia Taft Ave hanggang Welcome Rotonda

Bukod dito, ipapagamit din ang mga e-trikes para sa libreng transportasyon sa kahabaan ng “secondary roads” sa lungsod.

Personal namang susubaybayan ni Mayor Lacuna ang deployment ng mga sasakyan sa Lunes ng umaga simula sa Kartilya ng Katipunan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.