Tatlo, naaktuhang sumisinghot ng shabu sa Valenzuela

Share this information:

SA kulungan ang bagsak ng tatlong hinihinalang drug personalities matapos maaktuhan na sumisinghot ng shabu sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni PLt. Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela police ang naarestong mga suspek na sina Louie Pineda, 39 anyos, Wency Lagdamen, 19 anyos, at Ericson Delos Santos, 31 anyos, kapwa ng Balubaran St., Brgy. Malinta.

Sa report ni SDEU investigator PCpl. Christopher Quiao kay Valenzuela police chief Col. Ramcrisen Haveria Jr., nakatanggap ang mga operatiba ng SDEU ng tawag sa telepono mula sa isang concerned citizen at ipinaalam sa kanila ang hinggil sa nagaganap umanong pot-session sa Santos Compound Bukid, Brgy. Malinta.

Agad nagtungo ang mga operatiba sa naturang lugar na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek matapos maaktuhang sumisinghot ng shabu sa loob ng bahay ni Pineda dakong alas-8:20 ng gabi.

Nakumpiska sa mga suspek ang tatlong plastic sachet na naglalaman ng nasa 5 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P34,000, ilang drug paraphernalia, 2 cellphone at Smart Buddy pre-paid box.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Delivery driver, timbog sa P3.4M shabu sa Caloocan

Sun Oct 24 , 2021
TINATAYANG nasa P3.4 milyon halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad mula sa isang delivery driver matapos itong maaresto sa isinagawang buy-bust operation sa Caloocan City kamakalawa ng hapon. Kinilala ang naarestong suspek na si Arturo Del Cruz Jr., 38 anyos, delivery driver, tubong GMA Cavite at residente ng […]
%d bloggers like this: