Mga pagbabago sa dolomite beach, ikakasa ng Manila Bay Coordinating Office

Share this information:

SINABI ng pamunuan ng Manila Bay Coordinating Office na maglalagay ito ng mga karagdagang pagbabago sa pamamahala ng dolomite beach sa mga susunod na araw.

Ayon kay Jacob Meimban Jr., deputy executive director ng Manila Bay Coordinating Office, ang dolomite beach ay isasara tuwing Biyernes para sa maintenance  at lilimitahan din ang mga papasok na tao upang maiwasan ang hawaan o pagkalat  ng COVID-19.

Una diyan gusto namin ipaalam sa publiko na magsasarado po kami tuwing Biyernes ng buong araw. Bigyan ninyo kami ng isang araw yung dolomite beach dahil sa libo-libong tao pumapasok,” pahayag ni Meimban sa isang panayam sa radyo.

Upang maiwasan naman ang paglangoy ng mga taong nagtutungo sa Manila Bay, sinabi ni Meimban na ang kanilang beach ground commanders ay inatasan nang pigilan muna ang mga bisita na punapasok sa Pedro Gil entrance dahil na rin sa pangamba na maging superspreader ang pagdagsa ng mga tao sa lugar.

Pinayuhan din ang mga bisita na magtungo sa Remedios at maghintay muna ng isang oras bago palitan ang mga palabas namang mga beach goers.

Dagdag pa ni Meimban, dinoble na rin ang bilang ng mga pulis at marshals para sa pagpapatupad ng social distancing.

Binanggit din ng opisyal na pinag-aaralan pa ang panukala o mungkahi na pagsasara sa dolomite beach upang matugunan ang pagdagsa mg tao sa Manila Bay habang pinagagaan ng gobyerno ang COVID-19 restrictions.

(PHOTO CREDIT: pna.gov.ph)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Tatlo, naaktuhang sumisinghot ng shabu sa Valenzuela

Sun Oct 24 , 2021
SA kulungan ang bagsak ng tatlong hinihinalang drug personalities matapos maaktuhan na sumisinghot ng shabu sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi. Kinilala ni PLt. Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela police ang naarestong mga suspek na sina Louie Pineda, 39 anyos, Wency Lagdamen, 19 anyos, […]
%d bloggers like this: