Task Force, binuo ng MPD para sa mga dinukot na pulis

Share this information:

Kaugnay ng pagdukot sa isa na namang pulis-Maynila, bumuo na si Manila Police District (MPD) Chief PBGen. Leo Francisco ng special task force na tututok sa kaso ng pagdukot sa dalawang pulis. 

Ayon kay Francisco,  inaalam nila kung  may kaugnayan ang pagdukot kay PCpl. Allan Hilario at kay Patrolman Real Tesoro. 

Magugunitang unang dinukot si Hilario habang naka duty sa Binondo, Maynila Noong Pebrero 18, at  makalipas ang anim na araw ay dinukot naman si Tesoro sa V. Mapa, Sta. Mesa, Maynila. 

Hinala ni Francisco, iisang grupo lang ang responsable  sa magkahiwalay na pagdukot sa mga pulis. 

“Pinag-aaralan namin kung itong dalawang cases ng abduction dito sa Manila ay may relasyon. Kung titingnan mo talaga, ito ay planado, halos parehas yung kanilang modus operandi,”  ani Francisco. 

Nabatid na  2017 nang ma-assign sa Anti Drugs Unit si Hilario na may pending administrative case. 

Sa panayam  sa kapatid ni PCpl. Hilario na si Danilo Hilario,  may ilang concerned citizen  na nagbulong sa kanila na  umano’y isinasangkot ang kanyang kapatid  sa P40 milyon na operation laban sa isang Chinese national kung saan kumita umano ng 10 milyon si Hilario. 

Ipinagtataka din umano ng pamilya Hilario kung bakit mag-isang nag duty si Hilario kahit na may buddy system na pinaiiral.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.