Kamara, manghihimasok na rin sa PNP vs PDEA “misencounter”

Share this information:

UUNGKATIN na rin sa pamamagitan ng “inquiry” in aid of legislation na pangungunahan ng House Commmitte on Dangerous Drugs kaugnay sa “misencounter” sa pagitan ng mga operatiba ng Quezon City Police District at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Commonwealth, Quezon City.

Ito mismo ang ipinahayag ni Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers, na siyang chairman ng naturang komite.

Ayon kay Barbers, magdaraos sila ng sarili nilang pagiimbestiga upang hindi na maulit ang kahalintulad na kaso.

Sinabi ng mambabatas na “very unfortunate” umano ang nangyaring engkwentro kung saan nasawi ang dalawang pulis at isang ahente ng PDEA.

Ani pa ni Barbers, na may kanya-kanyang bersyon ang QCPD at ang PDEA, na kapwa nagsabing lehimitimo ang kanilang operasyon.

Pero giit ni Barbers, kung ganito ay dapat walang naganap na engkwentro dahil batay sa section 86 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ay dapat may koordinasyon bago magsagawa ng anti-drug operation.

Sa nangyari, ani Barbers, tila walang koordinasyon sa pagitan ng   QCPD at PDEA.

Sinabi ni Barbers na kabilang din sisilipin ng lupon ay ang alegasyon “sell bust”, na kung totoo ang ilegal.

Kabilang pa sa anggulo na titingnan ng House Committee on Dangerous Drugs ay ang presensya ng high-ranking police officers sa “uncoordinated” na buy bust, na nakadagdag sa iregularidad sa scenario, wika pa ni Barbers.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Bulacan to implement Digital Logbook System

Thu Feb 25 , 2021
CITY OF MALOLOS–The provincial government of Bulacan will start implementing the Digital Logbook System sponsored by NSPIRE Inc.. on March 1, 2021 to keep track of the employees’ attendance. The implementation of the new system comes after almost a year since the biometrics has been suspended due to COVID-19 pandemic. […]

Follow Us

%d bloggers like this: