Task Force, binuhay para mabantayan ang teritoryo at karagatan ng bansa–PCG

Share this information:

Upang mabantayang mabuti at mapangalagaan ang teritoryo at karagatan ng Pilipinas ay binuhay ng Philippine Coast Guard (PCG) ang “Task Force Pagsasanay.”

Ayon sa PCG, sa pamamagitan ng task force ay tuturuan ang mga PCG personnel sa paglalayag o navigation sa mga limitado o restricted waterways, dalampasigan, maintenance at logistics operations.

Sinabi naman ni PCG Spokesperson Commodore Armand Balilo na ang hakbang ay tugon ng coast guard  sa kampanya ng gobyerno na mapanatiling matatag ang karagatang sakop ng Pilipinas lalo na ang ginagawa ng National Task Force for the West Philippine Sea o NTF-WPS.

Bahagi ng Task Force Pagsasanay ang pagsasagawa taun-taon at pagbibigay ng lecture at may drills sa night navigation kasama ang manual plotting, piloting, firefighting at basic life support.

Ani Balilo, bilang paghahanda na rin ito sa pagdating ng karagdagang gamit pandagat at panghimpapawid na bahagi ng modernization program ng PCG.

Ang pagsasanay ay hindi lamang sa national headquarters gagawin kundi maging sa 15 Coast Guard Districts sa bansa.

Ang unang sasalang sa pagsasanay ang mga tripulante o crew ng BRP Gabriela Silang (OPV-8301), BRP Cabra (MRRV-4403), BRP Capones (MRRV-4404) at ang BRP Habagat (TB-271).

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Kelot, pinasok sa bahay at binaril sa ulo

Fri Apr 9 , 2021
Isang lalaking may nakabinbin na kasong robbery at illegal drugs ang pinasok sa bahay kung saan ito naroroon at binaril sa ulo ng isa sa dalawang hindi pa nakikilalang suspek sa Caloocan City kamakalawa ng hapon. Si Jeffrey Sucgang, 30 anyos, ng Phase 7A Package 10 Excess Lot, Brgy. 176, […]

Follow Us

%d bloggers like this: