Pagbabakuna sa mga nakakatanda gamit ang AstraZeneca vaccine, tuloy pa din — FDA

Share this information:

Nilinaw ng Food and Drug Administration (FDA) na hindi titigil ang pagbabakuna ng AstraZeneca  sa mga senior citizen.

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo sa Department of Health (DOH) media forum, ito ay dahil 59 years old pababa lamang ang sakop ng suspensyon sa paggamit ng bakuna ng AstraZeneca laban sa COVID-19.

Dagdag pa ng opisyal, ang mga lumabas na kakaibang side effect ng AstraZeneca ay hindi rin naitala sa hanay ng mga nakatatanda.

Binigyan diin din nito na higit na makikinabang sa AstraZeneca ang mga senior citizens lalo at kabilang sila sa mga itinuturing na nasa high-risk na sektor na dapat mabakunahan.

Dagdag pa ni Usec. Domingo na eksakto rin na ipatigil ito para mapag-aralan ang side effect ng AstraZeneca vaccine lalo at paubos na ang suplay nito at wala pa ang inaasahang mga bagong batch ng bakuna.

Nilinaw naman ni DOH Usec. Ma Rosario Vergeire na wala nang stock ng AstraZeneca vaccine ang bansa at ang lahat ay naipamahagi na batay aniya sa commitment ng World Health Organization (WHO) sa katapusan ng Abril darating ang bagong batch ng AstraZeneca mula sa COVAX facility.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Task Force, binuhay para mabantayan ang teritoryo at karagatan ng bansa--PCG

Fri Apr 9 , 2021
Upang mabantayang mabuti at mapangalagaan ang teritoryo at karagatan ng Pilipinas ay binuhay ng Philippine Coast Guard (PCG) ang “Task Force Pagsasanay.” Ayon sa PCG, sa pamamagitan ng task force ay tuturuan ang mga PCG personnel sa paglalayag o navigation sa mga limitado o restricted waterways, dalampasigan, maintenance at logistics operations. […]

Follow Us

%d bloggers like this: