Tapusin ang kontraktwalisasyon, dagdag sa minimum wage, giit ng mga manggagawa

NAGSAGAWA ng kilos protesta ang grupo ng mga manggagawa sa mismong tanggapan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Intramuros, Maynila.

Nanguna sa kilos protesta ang Kilusang Mayo Uno na muling nanawagan sa gobyerno na tapusin na ang  kontraktwalisasyon at itaas sa P750 ang miniumum wage ng mga manggagawa. 

Nais din ng mga militanteng grupo na mabigyan ng ayuda ang mga manggagawa na nawalan ng trabaho bunsod ng COVID-19 pandemic. 

Giit ng grupo, hindi pa rin naisasakatuparan ang pangako ng gobyerno at nang DOLE sa mga manggagawa sa loob ng limang taon na panunungkulan ng administrasyong Duterte.

Isa rin sa sigaw ng grupo ang red tagging na dapat anila ay itigil na gayundin ang pangha-harass sa mga grupo ng manggagawa kung saan ang iba sa kanila ay ikinukulong habang ang ilan ay pinapatay lalo na kung naglalabas ng kanilang saloobin. 

Bilang kalihim ng DOLE at incoming chairman ng Intetnational Labor Organization, hamon ng grupo kay Labor Secretary Silvestre Bello III na tugunan  at solusyunan ang problema ng mga manggagawa.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.