Tanod at hipag, tiklo sa P1 milyon shabu sa Navotas

Share this information:

Arestado ang isang barangay tanod at hipag nito matapos makumpiskahan ng higit sa P1 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Navotas City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong mga suspek na si Kathrice Leongson, 31 anyos (pusher/ listed), ng Blk 34 Taurus St., at kanyang bayaw na si Mark John Melejor, 28 anyos, barangay tanod ng Aries St., kapwa ng Brgy. San Roque.

Sa report ni Col. Ollaging kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Nelson Bondoc, dakong alas 9 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni Navotas police deputy chief for operation PLt. Col. Antonio Naag ng buy-bust operation sa Taurus St., Brgy. San Roque.

Isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makapag-transaksyon ng P1,000 halaga ng shabu sa mga suspek at nang tanggapin ng mga ito ang marked money mula sa poseur-buyer ay agad silang dinakma ng mga operatiba.

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 147.6 gramo ng hinihinalang shabu na nakalagay sa isang brown paper bag na may standard drug price na P1,003,680.00 ang halaga, at buy-bust money.

Ayon kay Col. Ollaging, ang asawa ni Leongson ay kasalukuyang nakakulong matapos maaresto kamakailan ng mga operatiba ng Malabon police sa isang drug operation na naging dahilan upang ipagpatuloy ni Kathrice ang illegal drug trade ng mister kasama ang kanyang bayaw.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Mga bagong kaso ng COVID-19, sumirit sa higit 2k ngayong araw

Fri Feb 26 , 2021
Sumirit ngayon ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 na naitala ng Department of Health (DOH). Sa case update ngayong February 26, nakapagtala ng 2,651 na mga bagong kaso kaya sumampa na sa 571,327 ang kabuuang bilang ng tinatamaan ng sakit. Nakapagtala rin ng 561 na bagong mga gumaling sa […]

Follow Us

%d bloggers like this: