Mga bagong kaso ng COVID-19, sumirit sa higit 2k ngayong araw

Share this information:

Sumirit ngayon ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 na naitala ng Department of Health (DOH).

Sa case update ngayong February 26, nakapagtala ng 2,651 na mga bagong kaso kaya sumampa na sa 571,327 ang kabuuang bilang ng tinatamaan ng sakit.

Nakapagtala rin ng 561 na bagong mga gumaling sa sakit dahilan para maging 524,582 na ang kabuuan ng COVID-19 recoveries sa bansa.

Umabot naman sa 46 ang mga naitalang pumanaw ngayong araw na mas mababa kumpara sa naitala kahapon.

Sa ngayon, umabot na sa 12,247 ang kabuuan ng mga namamatay sa sakit dahil sa COVID-19.

Ang aktibong kaso ay nasa 6.0 percent o katumbas ng 34,498.

Ayon  pa sa case update, mayroong 4 na duplicates na kailangang alisin sa total case count kung saan isa rito ay gumaling.

Bukod dito, 20 kaso na na-tag bilang gumaling ang na-reclassify bilang namatay matapos ang final validation.

Walong licensed laboratory naman ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos sa COVID-19 Document Repository  System o CDRS. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

CCTV should be installed in all public roads

Fri Feb 26 , 2021
ACT-CIS Partylist Representative Rowena Niña Taduran proposes the installation of closed circuit television cameras in all public roads which can be both detrimental to commission of crimes and beneficial in the investigation of criminal acts and other events. CCTVs which should be placed in all electric light posts, particularly in […]

Follow Us

%d bloggers like this: