Suspek sa pagpatay sa live-in partner nito, itinumba ng mga armadong lalaki

Isang lalaki na prime suspect umano sa pagpatay sa live-in partner nito ang pinagbabaril ng di pa nakikilalang kalalakihan.

Kinilala ni Binan City Police Chief Lt. Col. Giovani Martinez ang biktima na si Alejandro Alano alias “Dokleng” na residente ng Brgy. Pulong Sta. Cruz, Sta. Rosa City,  Laguna.

Ayon sa mga awtoridad, naglalakad sa kalsada si Alano nang pagbabarilin ng di pa nakikilalang mga lalaki.

Base sa kanyang rekord, itinuturong pangunahing suspek si Alano sa pagpatay sa kanyang live-in partner sa Binan City.

Nagtago din ng ilang buwan si Alano at bumalik lamang ito sa kanyang bahay sa Purok 1 Brgy. Ganado, Binan City ilang araw pa lamang ang nakakaraan.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang mga nakatakas na armadong lalaki.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.