Suspek sa P8-bilyong scam, timbog sa San Pablo City

Share this information:

LAGUNA–Naaresto sa San Pablo City ang isang big-time scammer na nambiktima sa mga investors ng halos P8 bilyon sa Mindanao.

Nasakote ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) si Dexter Auditor sa San Pablo City, Laguna kahapon.

Ayon kay NBI Laguna District Office Chief Atty. Danilo Daganzo, nakakulimbat umano ito ng halos P500 milyon mula sa mga investors at nangako ng 400-porsiyentong kita mula sa Tagum Rigen Marketing Wellness Product, isang uri ng investment scheme na nambiktima na sa Tagum City, General Santos City, Davao del Sur at Davao Occidental.

Noong nakaraang taon ay nahuli na ang lider nito sa Tagum City na si Rico John Garcia at nasampahan na ng kasong Syndicated Estafa dahil sa pagtangay nito ng P2 bilyon.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.