Pagpapatuloy ng limitadong face-to-face classes sa UST, tuloy na

Kasunod ng pag-apruba ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso  para sa partial resumption ng face-to-face classes sa University of Santo Tomas (UST), tiniyak naman ng pamunuan ng unibersidad na  masusunod ang  itinatakdang panuntunan ng pamahalaan laban sa coronavirus disease o COVID-19.

Ito ang  pahayag ng pamunuan ng UST na lumabas sa official student newspaper na The Varsitarian kung saan sinisigurong masusunod ang  itinatakdang protocol ng  Inter Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease at ng Commission on Higher Education o CHED  .

Sa ilalim ng partial resumption of classes, kabilang sa magsasagawa ng face-to-face classes ay ang internship, clerkship, practicum sa mga sumusunod na kurso: medicine, medical technology, physical therapy at nursing.

Sa naturang publication, ipinunto ng UST na higit na maihahanda ang mga estudyante lalo ang mga doktor at health professional na makapagbibigay ng mahusay na serbisyo sa kanilang mga pasyente sa hinaharap at makapagliligtas ng maraming buhay.

Nakasaad rin sa naturang post na magpapalabas na ng tamang  guidelines ang UST sa stakeholders sa sandaling maaprubahan na ito ng IATF at CHED.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.