“Surrogate mother” nasagip ng BI sa NAIA

NASAGIP ng Bureau of immigration (BI) ang isang surrogate mother na na-recruit sa pamamagitan ng dating app .

Ayon sa BI, naharang ang 34 anyos na ginang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 na umano’y nakatakda sanang sumailalim sa IVF procedure noong Enero 14.

Ang biktima ay nagtangkang sumakay ng Turkish Airlines flight patungong Cyprus.

Una niyang sinabi na siya ay solo traveler para sa leisure trip ngunit pinigil matapos hindi sinasadyang maipakita ang isang imbitasyon ng IVF clinic na sumasalungat sa kanyang kuwento.

Sa imbestigasyon , natuklasan na pumayag ang biktima na maging surrogate para sa isang tao na kanyang nakilala sa dating app kapalit ng pangakong P300,000 bayad matapos manganak.

“The scheme continues to thrive, leading to a rise in online offers for surrogacy or IVF-related services, with victims often coerced into passing certain laboratory assessments,” sabi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado.

“We warn females not to be tempted to agree to such schemes as this is a clear form of trafficking,” dagdag pa ng opisyal.

Ang biktima ay isinangguni sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT).

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.